Mark Bautista denies "tikiman" rumor with Rufa Mae Quinto

Rey Pumaloy
Friday, January 23, 2009
06:47 AM

Isa pala si Sarah Geronimo sa rason kung bakit hindi nagawang ligawan ng singer-actor na si Mark Bautista ang co-star niya sa Status: Single na si Rufa Mae Quinto noong mga panahong malapit sila sa isa't isa ng sexy comedienne.

Pag-amin ni Mark, bukod sa wala raw siya talagang intensiyon na ligawan si Rufa Mae, natakot daw siya kay Sarah ng mga panahong nali-link sila ng sexy comedienne. Sabi nga ni Mark, malakas ang impluwensiya ni Sarah sa kanya lalo na kapag nasisita na siya ng singer.

"Takot ako kay Sarah!" natatawa niyang sabi. "Kuya niya ako, pero ako yung takot sa kanya. Pag kinu-korek ako niyan, sumusunod ako sa kanya. Lalo na kapag nasa abroad kami pag nagsu-show kami. Pag may napansin ‘yan sa akin at sasabihin niya na ganito, sumusunod naman ako. Grabeng manita ‘yan [Sarah], lahat napapansin!

"Yung kay Rufa Mae, hindi naman siya nanita or nagtanong. Basta sinabi lang niya ‘Oy, ang dami-daming nali-link sa iyo, ha.' Alam ko naman kung sino yung tinutukoy niya kaya behave na lang ako," kuwento ni Mark.

NO SHORT-LIVED ROMANCE." Sumusumpa si Mark na walang short-lived relationship na namagitan sa kanila ni Rufa Mae. At lalong hindi kailanman sumama ang loob niya kay Erik Santos noong maging kasintahan nito ang sexy comedienne.

"Wala talaga akong intensiyon na ligawan si Rufa Mae," giit ni Mark. "Hanggang text-text lang kami. Hindi siya inagaw sa akin ni Erik. Hindi naman naging akin talaga si Rufa Mae. Nagkataon lang talaga na nagkasama kami sa concert, nag-guest ako sa kanya. Naging ka-textmate ko siya after the concert, pero wala talagang nangyari. Friendly text lang yun."

Dagdag niya, "Saka, hindi kami puwede. Masyadong malakas ang dating ni Rufa Mae. Intimidating."

Napangiti si Mark at pinamulahan ng mukha sa isyung "nagkatikiman" sila ni Rufa Mae kahit wala silang relasyon noong naging close sila. Nangyari raw ang "tikiman" sa bahay ng aktres noong mga sandaling dumadalaw siya sa bahay nito.

"Wala naman," tanggi ni Mark. "Oo, nai-invite niya ako sa bahay nila pag may okasyon, pero walang tikiman. Seryoso ako, walang nangyari sa amin.

"Alam ninyo, kahit ganyan si Rufa Mae na palabiro, seryoso ‘yang tao at malaki ang respeto ko sa kanya. Napaka-friendly lang niya at saka napakabait na tao kaya minsan nami-misinterpret ng marami."

Inamin ni Mark na hindi ang tipo ni Rufa Mae ang gusto niya. Mas type niya ang mga mas bata kesa sa kanya. Pasok ang mga gaya nina Sarah at Maegan Young sa panlasa ng singer-actor.

"Gusto ko kasi yung ako yung kinu-correct. Parang bine-baby kahit ako yung kuya!" natatawang sabi ni Mark.

Balewala kay Mark kung nali-link man ngayon kay Rufa Mae ang isa sa mga co-star nila sa Status: Single na si Jon Avila.

"Okey lang yun. Mas bagay naman silang dalawa, e," nakangiti niyang sabi.

PEP


posted by: Admin on 22 Jan 2009


>
name:
e-mail: (optional)

smile:

smile wink wassat tongue laughing sad angry crying lastik gomark 

| Forget Me